๐๐๐๐ ๐๐๐๐ฆ ๐๐๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ฌ๐ฉ๐๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐๐ญ ๐๐ซ๐ฒ ๐๐ฎ๐ง ๐ง๐ “๐๐ ๐๐ฅ๐๐ฎ๐ ๐ก๐ญ๐๐ซ๐ก๐จ๐ฎ๐ฌ๐” ๐ฌ๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง ๐๐ฅ๐๐จ๐ฌ๐๐ง
Sa patuloy na unlan ng bayan ng Aleosan sa mga programang nakatuon sa kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan, isinagawa ngayong umaga ang dry run at opisyal na inspeksyon ng bagong tayong “AA Slaughterhouse” na matatagpuan sa Barangay San Mateo, Aleosan, Cotabato.
Ang slaughterhouse na ito ay isang buong disenyo na sumusunod sa mataas na pamantayan ng National Meat Inspection Service (NMIS) upang masigurong malinis at ligtas ang mga produktong karne. Pinangunahan ng NMIS Team ang masusing inspeksyon, na pinamunuan ni Mr. Renen M. Perbillo, MI-III Infra Focal NMIS XII, at Dr. Jiffre Clave C. Cabaya, DVM – Sr. Meat Control Officer. Kabilang sa mga dumalo sa mahalagang kaganapang ito sina Municipal Mayor Eduardo C. Cabaya, MPA, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Project Monitoring & Evaluation Committee, at ilang Punong Barangay mula sa iba’t ibang barangay ng Aleosan.
Ang dry run ay isinagawa upang masuri ang operasyon ng slaughterhouse bago ito tuluyang magbukas sa publiko. Mula sa proseso ng pagkatay ng mga hayop hanggang sa pagtitiyak ng kalinisan ng buong pasilidad, siniguro ng NMIS Team na lahat ay alinsunod sa mga alituntunin at regulasyon. Inaasahan ng lokal na pamahalaan na ang pasilidad na ito ay hindi lamang makapagbibigay ng episyenteng serbisyo kundi makakatulong din sa pag-unlad ng lokal na industriya ng karne, na magbibigay ng mas ligtas na mga produkto para sa mga mamamayan at karatig bayan.
Pinasalamatan ni Mayor Eduardo C. Cabaya, MPA ang lahat ng sumuporta sa proyekto at binigyang diin ang kahalagahan ng slaughterhouse sa pagpapalakas ng ekonomiya ng Aleosan, habang pinapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng bawat mamimili.