Skip to content Skip to left sidebar Skip to right sidebar Skip to footer

๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—ข๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—๐—ข๐—œ๐—ก๐—ฆ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—œ๐—ก ๐—–๐—ข๐— ๐— ๐—˜๐— ๐—ข๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—ง๐—›๐—˜ ๐Ÿญ๐Ÿฎ๐Ÿณ๐—ง๐—› ๐—ฃ๐—›๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—˜ ๐—œ๐—ก๐——๐—˜๐—ฃ๐—˜๐—ก๐——๐—˜๐—ก๐—–๐—˜ ๐——๐—”๐—ฌ

Sa isang payak ngunit makahulugang aktibidad, ginunita ng Pamahalaang Lokal ng Aleosan ang Ika-127 Araw ng Kalayaan ngayong Hunyo 12, 2025.

Bilang bahagi ng selebrasyon, isinagawa ang pagbasa ng kasaysayan ng Araw ng Kalayaan upang sariwain ang makasaysayang paglaya ng Pilipinas mula sa kolonyal na pananakop. Layunin ng aktibidad na palalimin ang kamalayan ng bawat kawani ng lokal na pamahalaan sa mga sakripisyo ng ating mga bayani at ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kasarinlan.

Sa mensahe ni Mayor EDUARDO C. CABAYA, MPA, kanyang binigyang-diin na โ€œAng tunay na diwa ng kalayaan ay nasusukat hindi lamang sa ating kalayaan sa salita at kilos, kundi sa ating kakayahang gampanan ang tungkulin sa bayan nang may dangal at malasakit.โ€

Ang simpleng paggunita ay paalala na ang kalayaan ay hindi lamang isang selebrasyon, kundi isang pananagutan para sa bawat Pilipino.

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฎ๐—ป!

๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—”๐—น๐—ฒ๐—ผ๐˜€๐—ฎ๐—ป!

๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€!

#TatagatSipagTungosaBayangMaunlad

#127arawngkalayaan