๐๐๐๐ข๐ฆ๐๐ก ๐๐ข๐๐ก๐ฆ ๐ง๐๐ ๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก ๐๐ก ๐๐ข๐ ๐ ๐๐ ๐ข๐ฅ๐๐ง๐๐ก๐ ๐ง๐๐ ๐ญ๐ฎ๐ณ๐ง๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐ฃ๐ฃ๐๐ก๐ ๐๐ก๐๐๐ฃ๐๐ก๐๐๐ก๐๐ ๐๐๐ฌ
Sa isang payak ngunit makahulugang aktibidad, ginunita ng Pamahalaang Lokal ng Aleosan ang Ika-127 Araw ng Kalayaan ngayong Hunyo 12, 2025.
Bilang bahagi ng selebrasyon, isinagawa ang pagbasa ng kasaysayan ng Araw ng Kalayaan upang sariwain ang makasaysayang paglaya ng Pilipinas mula sa kolonyal na pananakop. Layunin ng aktibidad na palalimin ang kamalayan ng bawat kawani ng lokal na pamahalaan sa mga sakripisyo ng ating mga bayani at ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kasarinlan.
Sa mensahe ni Mayor EDUARDO C. CABAYA, MPA, kanyang binigyang-diin na โAng tunay na diwa ng kalayaan ay nasusukat hindi lamang sa ating kalayaan sa salita at kilos, kundi sa ating kakayahang gampanan ang tungkulin sa bayan nang may dangal at malasakit.โ
Ang simpleng paggunita ay paalala na ang kalayaan ay hindi lamang isang selebrasyon, kundi isang pananagutan para sa bawat Pilipino.
๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป!
๐ ๐ฎ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐น๐ฒ๐ผ๐๐ฎ๐ป!
๐ ๐ฎ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐!
#TatagatSipagTungosaBayangMaunlad
