LGU Aleosan Celebrate Women’s Month 2025
Ngayong araw, March 19, 2025 — nagtipon-tipon ang mga kababaihan ng Munisipalidad ng Aleosan upang ipagdiwang ang Buwan ng Kababaihan na may temang: “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas.”
Pinangunahan ang pagdiriwang nina Hon. Eduardo C. Cabaya, MPA, Municipal Mayor of Aleosan, Hon. Felimon C. Cayang, Jr., Vice-Mayor, at Hon. Leonida Cantonayor, SB Member and committee chair on women and children, kasama ang iba pang mga SB Members.

Pinarangalan din ang okasyon ng presensya nina Libungan Municipal Mayor Engr. Apple Lumanlan-Cuan at dating Board Member Shirlyn Macasarte, na nagpakita ng kanilang suporta sa pagsusulong ng karapatan at kapakanan ng kababaihan sa mga komunidad.
Nagbigay-sigla sa pagdiriwang ang mga kababaihan mula sa iba’t ibang barangay na nagpakitang-gilas sa Zumba dance contest—isang masayang pagpapakita ng kanilang sigla, lakas, at pagkakaisa. Nagkaroon din ng iba’t ibang aktibidad na nagtaguyod ng kalusugan, kasiyahan, at pagkapit-bisig ng mga kababaihan sa Aleosan.

Higit pa sa isang pagdiriwang, ang araw na ito ay nagsilbing paalala na sa pag-angat ng mga kababaihan sa lahat ng sektor, aangat din ang kinabukasan ng ating bayan. Sama-sama nating suportahan, bigyang-lakas, at pahalagahan ang mga kababaihan ng Aleosan.